Photo © web

Pinag-iingat ng Department of Health ang publiko sa mga sakit gaya ng heat stroke at heat exhaustion habang papasok ang panahon ng tag-init.

Ayon sa DOH, ang heat stroke ay maaaring maging malubha at nakamamatay kung hindi agad maagapan. Ilan sa mga sintomas nito ay lagnat, pagkahilo, pangangalay, pagkawala ng malay, at mainit o namumulang balat.

Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagsunod sa Heat Health Reminders upang maiwasan ang anumang summer-related illnesses. Kabilang sa mga payo ang pag-iwas sa mabibigat na pisikal na gawain mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, pag-inom ng 7–8 baso ng tubig kada araw, paggamit ng payong, pamaypay, o sumbrero kapag lalabas ng bahay, at pagsusuot ng magaan at maluwag na damit upang manatiling presko.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na maging maingat at alamin ang mga paunang hakbang upang maiwasan ang heat-related illnesses habang tinitiyak ang kalusugan ngayong tag-init.

Advertisement
Advertisement