Nilinaw ng Department of Justice na hindi kailangang eksaktong gayahin ng Electric Vehicle Incentives Strategy (EVIS) ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program, batay sa umiiral na batas.

Sa legal na opinyon ni Fredderick A. Vida na ipinadala sa Department of Trade and Industry at Board of Investments (BOI), sinabi na ang EV incentives strategy sa ilalim ng Electric Vehicle Industry Development Act ay kailangan lamang maging “similar” at hindi “identical” sa CARS program.

Ibig sabihin, maaaring gumamit ang EVIS ng iba’t ibang legal na mekanismo ng insentibo, kabilang o hindi kabilang ang Tax Payment Certificate (TPC), at maaari ring magbigay ng Tax Credit Certificate (TCC), depende sa magiging disenyo ng programa.

Ang CARS program, na inilunsad noong 2015 sa ilalim ng Executive Order 182, ay naglalayong palakasin ang lokal na industriya ng sasakyan, habang ang EVIDA naman ay nakatuon sa pagpapaunlad ng electric vehicle industry sa bansa.

Advertisement
Advertisement