Bubuksan na sa mga motorista ang Maharlika Highway bago ang Holy Week, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, upang mas mapadali ang pagbiyahe ng mga nagbabalik-probinsiya.
Sinabi ni Dizon na aalis na ang one-way traffic system sa ilang seksyon ng highway at inaasahang mas mabilis ang biyahe mula Samar hanggang Leyte, kung saan dating umaabot sa pitong oras ang trapiko dahil sa repair work
Personal namang nagsiyasat si Dizon sa mga critical areas upang masigurong matatapos ang mga proyekto bago magsimula ang Holy Week.
Ang malawakang rehabilitasyon ng Maharlika Highway ay nagsimula ngayong 2026, na may kabuuang pondo na P16 bilyon, at nakatuon sa mga sira at flood-prone na bahagi sa Quezon, Bicol, at Samar. Layunin ng proyekto na alisin ang patchwork repairs, itaas sa modernong pamantayan ang highway, bawasan ang transport cost, at mapabuti ang kaligtasan sa kalsada.
Upang matiyak ang kalidad, tanging mga pangunahing kontratista na may advanced technology ang pinayagang mag-bid, at pinamamahalaan ito ng DPWH central office kasama ang tulong ng foreign consultants.














