Nagbabala ang Department of Public Works and Highways laban sa mga scammer na nagpapanggap na opisyal ng ahensya upang makapanloko ng pera at impormasyon mula sa publiko.
Sa isang public advisory, sinabi ng DPWH na may mga nagpapadala ng mensahe gamit ang pangalan ni Vince Dizon at iba pang opisyal upang manghingi ng pabor, pera, o sensitibong detalye mula sa kanilang mga target.
Ayon sa ahensya, may mga kalakip pang screenshots ng mga mensahe mula sa umano’y mga manloloko bilang patunay sa kanilang babala. Layunin nitong ipaalam sa publiko ang modus operandi ng mga scammer upang maiwasan ang pagkabiktima.
Hinimok din ng DPWH ang mamamayan na maging mapanuri at huwag agad maniwala sa mga kahina-hinalang mensahe, lalo na kung may hinihinging pera o personal na impormasyon.
Pinayuhan ang publiko na i-report ang mga insidente sa opisyal na email ng ahensya, kanilang Facebook account, hotline na 165-02, o sa Viber number na 09616847084 upang agad na maaksyunan ang mga reklamo.











