NAGA CITY – Patay ang isang motorcycle driver at backrider nito matapos na makabanggaan ang motor nito ang isang van sa Maharlika Highway, Brgy. Sumulong Calauag, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Bobette Labaco Adonis, 35-anyos, drayber ng motorsiklo, at backrider nito na si Aldy Jubilo Sollestre, kapwa residente ng Brgy. Mabini sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na sinubukan ng motorsiklo na mag-overtake sa sasakyan na nasa unahan nito dahilan para makapasok ito sa linya ng kasalubong na sasakyan na naging dahilan naman para makabanggaan nito ang van na minamaneho naman ni Robert Marivalles, residente ng Brgy. Batang Irosin, Sorsogon na mula sa kabilang direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa pangyayari, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Samantala, matapos ang pangyayari, agad namang tumakas si Marivalles patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.