NAGA CITY- Sugatan ang isang driver matapos tagain sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Ronnier, 20-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang ang biktima at kanyang live-in partner na kinilalang si alyas Mariela ang nasa mainit na argumento ng subukang awatin ito ng suspek na kinilalang si alyas Sherwin, 29-anyos, residente ng Barangay Calantipayan, Lopez, Quezon.

Dahil dito, nagalit ang biktima at nagkaroon naman ng argumento sa pagitan nito at ng suspek na nagresulta sa pananaga ni alyas Sherwin kay alyas Ronnier.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na kaagad naman na dinala sa ospital ang biktima para sa asistensiya medikal habang kaagad naman na naaresto ang suspek.

Sa ngunyan, nasa kostodiya na ng mga awtoridad si alyas Sherwin para sa karampatang kaparusahan.