NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang drug personality matapos mahuli sa buy bust operation ng mga otoridad sa lungsod ng Iriga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtCol. Alejandro Monge, hepe ng Iriga City PNP, sinabi nito na sa kabila ng mas pinahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ), may mga nagtatangka paring magpuslit ng iligal na droga.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban dito.

Samantala, iniimbestigahan na rin kung totoong mula sa Social Amelioration Program (SAP) ang perang ginawang puhunan ng suspek sa nasabing iligal na transaksyon.Top