NAGA CITY – Sugatan ang isang drug suspect matapos mauwi sa palitan ng putok ang buybust operation sa Bagacay, Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Jose Rosquites Jr., 48-anyos, residente ng Daisy Street, Green Valley, Medlino II, Bacoor, Cavite.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek ng isang pakete ng ilegal na droga.

Ngunit matapos ang transaksyon, dito na napansin ng suspek na pulis ang kaniyang ka-transaksyon dahilan para subukan nitong tumakas at paputukan ang mga awtoridad.

Dahil sa naturang insidente, nagtamo ng sugat si Rosquites sa kaniyang katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na apwera sa buybust item nakumpiska pa sa suspek ang 14 sachet ng pinanainiwalaang shabu, isang baril na may lamang bala at iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon, patuloy pang nagpapagaling ang suspek sa ospital habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito.