NAGA CITY- Nakahanda umano ang Department of Social Welfare and Development DSWD-Bicol sakaling umabot worst case scenario ang banta ang COVID-19 sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Arnel Garcia Regional Director ng DSWD-Bicol, sinabi nitong aktibo pa rin aniya ang One Team Bicol sa lahat ng preparasyon katuwang ang Department of Health DOH-Bicol.

Ayon kay Garcia, nakahanda rin sila lalo na pagdating sa mga stocks ng kakailanganing gamit tulad ng mga hygienic kits at iba pa.

Aniya, meron na rin silang mga quarantine centers sa tulong ng mga local government units sa iba’t ibang parte ng rehiyon.

Samantala, ayon kay Garcia handa rin silang magprovide ng augmentation support sakaling lumobo at lumala ang banta ng COVID-19 sa bansa.