NAGA CITY- Target ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na makahanap ng supplier ng face masks na makakapag suplay ng 5-M pirasong face mask.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media ni DTI Regional Director Jocelyn Blanco, sinabi nito na patuloy ang kanilang paghahanap ng supply ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa silang nakukuha.
Sa kabila ng kakulangan sa suply ng face mask sa Bicol, nanawagan si Blanco sa mamamayan na huwag mangamba dahil hindi naman kinakailangan na lahat ng tao ay dapat magkaroon ng face mask sa halip mas mabuti aniya ang proper hygiene.
Sa kabila nito, nagpasalamat naman si Blanco sa mga establishemento na nagbigay sa mga tao ng halos 30,000 pirasong libreng face mask.
Samantala, ayon sa direktor, maliban sa facemask, mahigpit din ang pagmomonitor nila sa ngayon sa mga alcohol at iba pang mga medical supplies.Top