Umaasa ang pamahalaan ng Pilipinas na mapapayag si US President Donald Trump na bawasan ang taripang ipinapataw ng Estados Unidos sa mga produktong iniluluwas ng bansa sa Amerika.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque, umaasa silang maisusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahilingan ng Pilipinas na tuluyang mapababa ang nasabing taripa.

Matatandaang noong Hulyo ay nagpatupad si Trump ng 12.5 porsiyentong taripa sa mga produktong Pilipinong pumapasok sa merkado ng Amerika.

Nasa Pilipinas ang US President upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Advertisement

Gayunman, hindi muna tinukoy ni Roque kung anong porsiyento ng taripa ang nais ipatupad ng pamahalaan bilang kapalit ng kasalukuyang singil.

Kabilang sa mga inaasahang pag-uusapan nina Trump at Marcos sa kanilang bilateral meeting ang Joint Administrative Order na nilagdaan noong Hulyo, na may kaugnayan sa usapin ng kalakalan at taripa sa pagitan ng dalawang bansa.

Advertisement