Nagpadala ang gobyerno ng Ecuador ng humigit-kumulang 75,000 sundalo sa apat na probinsya na may mataas na insidente ng krimen, kasabay ng pagpapatupad ng curfew sa gabi upang sugpuin ang kriminalidad sa bansa.

Mula nang maupo sa puwesto noong 2023, naging mahigpit si President Daniel Noboa sa paglaban sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga. Gayunpaman, nagtala pa rin ang bansa ng maraming insidente ng karahasan noong nakaraang taon.

Kabilang si Ecuador sa 17 bansa na aktibong lumalaban sa mga criminal cartels na nagdadala ng iligal na droga. Dahil nasa gitna ng Colombia at Peru—ang dalawang pinakamalaking producer ng cocaine—nananatiling kritikal ang papel ng Ecuador sa regional drug enforcement.

Advertisement