NAGA CITY- Pinarangalan bilang isang Outstanding 4P’s beneficiary sa buong Bicol Region ang isang estudyante mula sa Baao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jesha Aina Noble, Board Member ng 5th district, sinabi nito na natutuwa ito sa tagumpay na natamo ni Joshua Pajo, ang Barangay Youth Leader ng Brgy.Caranday sa nasabing bayan, dahil ito umano ang kaisa-isang taga-Camarines Sur, na nakatanggap ng nasabing parangal na iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region V. Kung saan, kakaunti lamang ang nabigyan ng parangal.

Aniya, alam ng lahat kung gaano kahirap mag-aral lalo na’t maraming pagbabago ang inilunsad, ngunit ang katulad umano ni Joshua ay aktibo hindi lamang sa akademya ngunit maging sa komunidad.

Binigyan-diin rin ni Noble, na ang katulad ni Joshua ay magsisilbing inspiration sa mga estudyante na kahit ano pa ang estado nila sa buhay, kayang-kaya nito maging isang awardee at magbigay ng parangal sa nasabing probinsya.