Sa kabila ng pagiging full-time community health nurse at pagkuha ng master’s degree, nagawa pa ring makamit ni Rudy Raro Ani ang ikaapat na puwesto sa November 2026 Midwives Licensure Examination.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Rudy Raro Ani, RN, RM | Ranked 4th in the November 2026 Midwives Licensure Examination, ibinahagi nito na hindi niya inaasahang makakabilang siya sa mga topnotcher dahil una niyang planong kumuha ng pagsusulit sa Abril 2027. Gayunman, hinikayat siya ng kaniyang mga katrabaho na subukan nang kumuha ng licensure examination sa kasalukuyang taon.

Ayon sa kaniya, naging malaking hamon ang paghahanda dahil sabay niyang inaasikaso ang kaniyang trabaho bilang community health nurse sa Department of Health, pag-aaral sa master’s degree tuwing weekend, at pagrerepaso para sa pagsusulit.

Sinabi pa nito na bago maging kuwalipikadong kumuha ng Midwives Licensure Examination, kinailangan ding kumpletuhin ang mga kinakailangang clinical cases.

Advertisement

Iginiit nito na hindi dapat maliitin ang larangan ng midwifery dahil nangangailangan ito ng sapat na kaalaman, kasanayan, at propesyonalismo sa pangangalaga ng mga ina at sanggol.

Binigyang-diin din niya na walang kasarian ang pagiging midwife, dahil kapwa maaaring maglingkod sa nasabing propesyon ang mga lalaki at babae.

Hinikayat ni Ani ang mga nagnanais maging midwife na huwag magduda sa sariling kakayahan, manatiling nakatuon sa kanilang mga pangarap, at huwag hayaang maging hadlang ang opinyon ng ibang tao.

Nagpasalamat naman siya sa Municipal Health Office ng Sagñay, Camarines Sur, sa mga kasamahan sa trabaho, sa Sangay Infirmary, pamilya, at iba pang na naging bahagi ng kaniyang paghahanda at tagumpay.

Advertisement