NAGA CITY- Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) si Former Naga City Mayor John Bongat at dating First Lady Farah Bongat.

Ito ang kinumpirma mismo ng asawa ng dating alkalde na si Farah sa kanyang facebook post.

Humingi naman ito ng pasensya sa mga posibleng kanilang nakasalamuha at agad na nagpaalala na sumunod sa mga precautionary measures.

Samantala sa opisyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, nagpasalamat naman ito dahil sa ginawang hakbang ng pamilya Bongat at lakas loob na pagsasapubliko ng kanilang pagkakakilanlan kung saan malaking tulong aniya ito sa contact tracing.

Ayon sa alkalde, malakinhg tolong ito upang mas mapadali ang isinasagawang contact tracing.

Sa ngayon nanawagan naman ito sa mga posibleng nakasalamuha ng nasabing mag-asawa na agad na lumapit sa City Health Office upang agad na isailalim sa swab test.