Sisimulan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa unang bahagi ng 2027 ang pagsasaayos ng Rizal Memorial Stadium bilang bahagi ng pagpapalakas sa larong football sa bansa.
Kasunod ito ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ng PSC, Philippine Football Federation (PFF) at Fédération Internationale de Football Association (FIFA).
Lumagda sa kasunduan si FIFA President Gianni Infantino kasama sina Executive Secretary Ralph Recto, PSC Chairman Patrick Gregorio at PFF President John Gutierrez.
Batay sa kasunduan, maglalaan ang FIFA ng 25 milyong dolyar o mahigit P1.6 bilyon para sa pagpapaunlad ng football sa Pilipinas.
Sa naturang pondo, 13 milyong dolyar o katumbas ng mahigit P831 milyon ang gagamitin sa malawakang pagsasaayos ng Rizal Memorial Football Stadium, nang walang gagastusin ang pamahalaan.
Ayon kay Infantino, magiging mahalagang pasilidad ang naturang stadium para sa mga manlalaro mula sa iba’t ibang bansa at magsisilbi rin itong karangalan para sa mga Pilipino at sa buong bansa.














