Ipinakita ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang yaman at kagandahan ng kulturang Pilipino sa pagbubukas ng 49th ASEAN Summit 2026 sa pamamagitan ng pagsusuot ng isang natatanging likha ng kilalang Filipino fashion designer na si Francis Libiran.
Isinuot ng Unang Ginang ang isang klasikong midi Filipiniana na gawa sa malambot na blush crepe at pinalamutian ng maseselang filigree details na hango sa tradisyonal na burdang Pilipino.
Ayon kay Libiran, espesyal at eksklusibong ginawa ang nasabing kasuotan para kay First Lady Liza Araneta-Marcos bilang pagpupugay sa husay ng mga Pilipinong alagad ng sining, gayundin sa mayamang kultura at pamana ng bansa.
Advertisement








