NAGA CITY- Hinihintay na lamang umano ng DILG ang pinal na listahan ng mga natitirang GCTA beneficiaries na hindi pa sumusuko sa mga otoridad.

Sa naging panayam kay Interior Sec. Eduardo Año, sinabi nitong nakausap na niya si Justice Sec. Menardo Guevarra hinggil sa nasabing isyu.

Ayon umano dito, konti na lamang ang natitirang heinous crime convicts na kailangang maibalik sa kulungan.

Dagdag pa ni Año, kampante aniya sila na madali lamang na matuyukoy ng tracking team ng mga otoridad ang naturang mga GCTA beneficiaries.

Kung maaalala, kamakailan lamang ng pansamantalang pinatigil ang paghuli ng mga pinalayang preso matapos magkaproblema nang lumabas na mas mataas pa ang bilang ng mga sumuko kaysa sa inaasahang bilang ng mga pinapasuko.Top