Opisyal nang nakilala ang mga bagong reyna ng Miss Universe Philippines Coronation Ball 2026 matapos ang engrandeng pagtitipon na ginanap sa Parañaque City nitong gabi ng Mayo 10.
Sa naturang Coronation Ball, kinilala at opisyal na kinoronahan ang mga kandidatang magrerepresenta sa Pilipinas sa iba’t ibang international pageants sa ilalim ng “The Miss Philippines” brand.
Kabilang sa mga pangunahing titulo si Allyson Hetland bilang Miss Supranational Philippines, habang si Bella Ysmael naman ay kinoronahang Miss Cosmo Philippines.
Si Jenrose Javier ang magiging Miss Eco International Philippines, at si Apriel Smith ay Miss Charm Philippines.
Kasama rin sa mga kinilala si Nicole Borromeo bilang Miss Worldwide Philippines at si Marianne Arellano bilang Miss Tourism Worldwide Philippines.
May mga special titles din na ipinagkaloob sa ilang semifinalists, kabilang si Catherine Wardle bilang Miss Teen Universe Philippines at Trexy Paris Roxas bilang Miss Eco Teen International.
Ayon sa organisasyon, ito ang unang pagkakataon na isinagawa ang Coronation Ball upang opisyal na ipasa ang mga korona, kapalit ng dating tradisyong mabilisang awarding pagkatapos ng main pageant night.
Matatandaang ang korona ng Miss Universe Philippines 2026 Coronation ay naigawad na kay Bea Millan-Windorski sa isang hiwalay na coronation noong Mayo 2 sa Pasay City.














