NAGA CITY- Inasahan na ng kanyang pamilya na mapabilang ang 4th placer sa mga topnotcher saOctober 2024 Fisheries Professional Licensure Examination.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jennylyn Tapar, 4th placer sa nasabing eksaminasyon at graduate sa Partido State University (ParSU) labis itong natutuwa matapos mapabilang sa topnotcher at hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon.
Naniniwala rin si Tapar na dahil sa kanyang pagsusumikap at suporta ng kanyang pamilya at mga taong nakapaligid sa kanya kaya niya nakamit ang naturang tagumpay. Isa pa, college student pa lang ito at nakikita ng mga kanyang pamilya ang pagsusumikap nito sa pag-aaral kaya confident ang pamilya nito na mapabilang siya sa topnotchers.
Samantala, pinilit naman umano ito ng kanyang ina na kumuha ng scholarship sa BFAR, na nagbigay din sa kanya ng ideya tungkol sa kursong Fisheries. Matapos makapagtapos ng kolehiyo, naging empleyado nga ito ng BFAR-Bicol.
Dagdag pa ni Tapar, nag-enroll din ito sa revies center mula Marso, 2024 kaya mahaba ang kanyang paghahanda dahil sa mahabang saklaw ng nasabing eksaminasyon.
Ang nasabing naman na tagumpay ay pagbibigay pasasalamat nito sa BFAR sa tulong na kanyang natanggap. Gayundin para sa kanyang mga mahal sa buhay.