NAGA CITY – Nagsagawa ng fogging sa Barangay Concepcion Grande, Naga City kaugnay nang naitalang isang kaso ng dengue sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jerold Rito, kapitan ng nasabing barangay na noong nakaraang linggo, nag request na sila ng fogging sa City Government na isinagawa sa bahagi ng Zone 3 sa kanilang lugar.
Ang nasabing request ay kasunod ng naitalang isang kaso ng degue sa kanilang lugar.
Layunin nito ang upang hindi na madagdagan pa ang naitalang kaso na nagpositibo sa nasabing sakit.
Samantala, nagpapatuloy naman ang procurement upang maibigay na ang mga gamot sa mga nangangailangan na mga residente.
Kaugnay nito, hinikayat naman nito ang iba’t-ibang grupo na makiisa sa isinasagawang clean up drive upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod na makakatulong upang hindi na kumalat pa ang sakit na dengue.