NAGA CITY– Kinumpirma ngayon ni CamSur 4th District Rep. Arnie Fuentebella na binawian na ng buhay ang ama nitong si Former Speaker Arnulfo “Noli” P. Fuentebella.

Sa ipinaabot na impormasyon ni Cong. Fuentebella, sinabi nitong kaninang umaga ng tuluyan ng binawian ng buhay ang dating kongresista dahil sa Heart Failure.

Nabatid na halos dalawang taon din itong nakipaglaban sa sakit sa kidney.

Sa ngayon, nagpasalamat naman ang pamilya Fuentebella sa mga taga suporta ng dating kongresista habang isasapubliko na lamang aniya ang iba pang detalyes para sa gagawing burol at libing ng dating opisyal.

Nang si Cong. Noli Fuentebella ang angsilbi ng halos mahigit sa tatlong magkakasunod na termino bilang mambabatas.

Siya rin ang nanguna sa una pagbubuo sa bagong lalawigan na tatawaging Nueva Camarines, na bubuuin ng Ikaapat at Ikalimang Distrito ng Camarines Sur.

Sa ika-14 na Kongreso ng Pilipinas, si Fuentebella ay nahalal bilang Deputy Speaker sa House of Representative.

Namatay si Fuentebella sa edad na 74.