NAGA CITY- Nanawagan si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang Department of Education (DepEd) para matugunan ang iba pang mga kakulangan sa pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Garbin, sinabi nitong kinakailangan nang gamitin ng mga LGUs ang kanilang special education fund para makatulong sa gastos ng mga guro sa pagreproduce ng mga modules na gagamitin ng mga bata.

Ngunit ayon kay Garbin, posibleng malaki ang pondo ng mga malalaking lugar gaya ng Metro Manila at ilang lungsod ngunit limitado lamang sa mga probinsya.

Sa kabila nito, bukas naman aniya ang DepEd sa pagtanggap sa mga dagdag na tulong.

Advertisement

Umaasa naman si Garbin na hindi maaapektuhan ang kalidad ng edukasyon dahil sa blended learning approach na dulot ng COVID-19 pandemic.

Advertisement