Nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian na wala pa umanong napag-uusapan ang Senado hinggil sa kung sino ang magsisilbing presiding officer sa impeachment proper trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Gatchalian, sa kasalukuyan ay wala pang napagkakasunduang hakbang ang mayorya ng mga senador ukol sa naturang usapin.
Sinabi ng Senate President na alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng Senado, siya ang inaasahang mamumuno sa impeachment trial bilang kasalukuyang pinuno ng kapulungan hangga’t wala pang ibang napagkakasunduang kaayusan ang mayorya.
Binigyang-diin ni Gatchalian na susundin ng Senado ang mga itinakdang alituntunin at proseso upang matiyak ang maayos at patas na pagdinig sa impeachment case.
Samantala, patuloy na inaabangan ng publiko ang mga susunod na hakbang ng Senado kaugnay ng paghahanda para sa impeachment proceedings laban kay Vice President Duterte.
Patuloy namang nakatutok ang Senado sa mga usaping procedural habang hinihintay ang pormal na pag-usad ng impeachment trial.














