NAGA CITY – Muling isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang nasa 17 na mga bayan sa probinsya ng Quezon.

Sa ipinalabas na anunsyo ni Governor Danilo Suarez, gobernador ng nasabing lalawigan, nakasaad dito na batay sa napagkasunduan sa naging pagpupulong ng Provincial Interagency Task Force Against COVID-19 kahapon, Abril 6 muling isasailalim sa GCQ ang mga bayan ng San Antonio, Infanta, Macalelon, Candelaria, General Nakar, Tayabas, Dolores, Sariaya, Lucban, Real, Pagbilao, Tiaong, Guinayangan, Polillo, Mauban, Alabat at Gumaca.

Habang ang mga lugar naman na hindi nabanggit mananatili pa ring nakasailalim sa Modefied General Community Quarantine (MGCQ).

Sa ngayon, panawagan na lamang ng gobernador sa kanyang mga nasasakupan na patuloy na sumunod sa minimum health protocols na ipinapatupad sa kanilang mga lugar.