Nagpahayag ng panibagong suporta si dating presidential spokesperson Harry Roque para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang Facebook post noong Sabado, Mayo 23.
Sa kanyang post, ibinahagi ni Roque ang larawan nila ni Duterte noong panahong malaya pa ang dating pangulo at hindi pa nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.
May caption ang post na “See you soon again Tatay Digong” at “Walang iwanan,” na nagpapahiwatig ng patuloy niyang suporta sa dating pangulo.
Sa hiwalay na post, sinabi rin ni Roque na kampante siyang makakatulog sa bagong legal counsel ni Duterte sa ICC na si Atty. Peter Haynes, kasunod ng pagbibitiw ng dating abogado na si Atty. Nicholas Kaufman.
“Makakatulog ako ng mahimbing knowing na si Tatay Digong has the best ever legal defense sa International Criminal Court with Atty. Peter Haynes,” saad ni Roque.














