NAGA CITY- Nagpapagaling na umano ngayon ang driver at Municipal Agrarian Officer ng Libmanan matapos masangkot sa isang aksidente sa Libmanan Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Julius Prima, hepe ng Libmanan PNP, sinabi nitong kahapon ng magpaabot sa kanila ng report ang driver na si John Michael Ramboyon na isang Agrarian Reform Program Technologist.

Nabatid na nangyari ang aksidente noong nakaraang araw ng Miyerkules sa Brgy. Cawayan ng nasabing bayan.

Sakay ng minamaneho nitong sasakyan ang Municipal Agrarian Reform Officer na si Rodora Sarte na nagtamo ng tama sa kanyang kamay.

Ayon sa kwento ni Ramboyon, tinatahak nila ang pababang kalsada ng aksidente itong magslide na nagresulta sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, nagtamo ng tama sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital.