Nanawagan si Senator Risa Hontiveros ng agarang pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Middle East, malinaw na mekanismo para sa repatriation, at konkretong hakbang para protektahan ang energy security ng bansa sa harap ng lumalalang sigalot sa Middle East.
Ayon kay Hontiveros, dapat ay manatiling naka-alerto at handang umalalay ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa bawat Pilipinong nangagailangan ng proteksyon.
“Dapat tiyakin ng pamahalaan na malinaw at mabilis ang mekanismo para sa repatriation… may sapat na pondo at maayos ang koordinasyon ng bawat ahensya”, ani Hontiveros.
Bukod sa ligtas na pag-uwi ng mga overseas Filipino Workers (OFWs), iginiit ng senador na kailangan din ang malinaw na contingency plans para sa kanilang kabuhayan at para sa posibleng epekto ng krisis sa enegry, oil at gas supplay ng Pilipinas.
Kasaunod nito, nanawagan ang senador sa Department of Energy (DOE) na agad magpatupad ng short-term safeguards habang binubuo ang isang komprehensibo at pangmatagalang strategic plan upang mapanatili ang katatagan ng suplay ng enerhiya at maprotektahan ang mga idustriya laban sa pagtaas ng presyo at kakulangan sa suplay.
Sa kabila ng lumalalang tensyon umaasa naman si Hontiveros na kikilos ang United Nations upang mapigilan ang lalo pang paglala ng tensyon at maibalik ang paggalang sa international law.
Sa huli, nagpabatid ang senador ng kaniyang pangamba sa umano’y tila walang habas na pagpasok ng administrasyon nina US President Donald Trump at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa gyera, gayundin ang pag-atake ng Iran sa ilang Gulf States, na aniya’y malinaw na sumisira sa pandaigdigang kapayapaan. giit pa niya, ang tanging makabuluhang direksyon sa kasalukuyan ay de-escalation, diplomasya at agarang pagbabalik sa mapayapang pag-uusap.








