Dumalo sa misa sa EDSA Shrine nitong Linggo ang ilang House prosecutors upang humingi ng gabay at basbas bago ang nakatakdang impeachment trial laban kay Vice President Sara Z. Duterte na magsisimula ngayong Lunes, Mayo 18.

Kabilang sa dumalo sina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila M. de Lima, Manila 3rd District Rep. Joel R. Chua, at Bicol Saro Party-list Rep. Terry L. Ridon.

Ayon kay De Lima, humihingi sila ng lakas, karunungan, at gabay upang magampanan nang maayos ang kanilang tungkulin bilang prosecution panel sa layuning mapanagot si Duterte sa ilalim ng Saligang Batas.

Umaasa rin ang mambabatas na magiging patas at politically neutral ang mga senador na uupo bilang impeachment judges sa pagdinig.

Advertisement

Samantala, sinabi naman ni Ridon na kumpiyansa siyang matibay ang ebidensya laban sa Bise Presidente at naniniwala siyang makukumbinsi ng prosecution ang senator-judges na magdesisyon batay sa ebidensya at konsensya.

Advertisement