Photo © web

Nilinaw ng Independent Commission for Infrastructure na hindi nito nilinis o pinawalang-sala si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Sa pahayag ng Komisyon, pinabulaanan nito ang interpretasyon ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na nagsabing wala umanong pananagutan si Romualdez, at sinabing “selectively quoted” lamang ang bahagi ng kanilang referral.

Ipinaliwanag ng ICI na sa referral na isinumite sa Office of the Ombudsman noong Nobyembre 21, 2025, inirekomenda si Romualdez para sa mas malalim na imbestigasyon at hindi para ideklarang inosente o may sala.

Binigyang-diin ng Komisyon na malinaw sa kanilang dokumento na wala silang naging pinal na konklusyon hinggil sa pananagutan ng dating House Speaker.

Advertisement

Ayon pa sa ICI, ang layunin ng referral ay upang hayaang magsagawa ng karagdagang imbestigasyon ang Ombudsman, na siyang may kapangyarihang magpasya sa mga ganitong usapin.

Dagdag pa nito, bilang isang fact-finding body sa ilalim ng Executive Order No. 94, wala itong kapangyarihang magsampa ng kaso kundi magsumite lamang ng rekomendasyon batay sa mga nakalap na ebidensya at testimonya.

Iginiit ng Komisyon na ang lahat ng kanilang aksyon ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng beripikadong impormasyon, kabilang ang mga dokumento at salaysay ng mga testigo.

Advertisement