NAGA CITY- Muling nakapagtala ng panibagong nag-positibo sa coronavirus disease o covid-19 ang Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health(DOH-Bicol) napag-alaman na ito ay isang 28-anyos na babae mula sa probinsya ng Albay.

Kung saan ito ay mayroon umanong exposure sa isang pasyente na una ng nag-positibo sa nasabing sakit.

Sa ngayon kasalukuyan itong naka admit sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) at tinatayang ito na ang ika-18 na nagpositibo sa rehiyon.

Samantala, nag-apela naman ang ahenysa sa mga Bicolano na mahigpit na sumunod sa ipinapatupad na Social Distancing sa lahat ng oras lalo na ang mga kailangang lumabas sa kani-kanilang mga tahanan.