NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ni Naga City Mayor Nelson Legacion na binawian ng buhay ang ikalawang kaso ng coronavirus disease sa Naga City.

Sa ipinaabot na pahayag ni Legacion, sinabi nito na araw ng Huwebes ng makaramdam ito ng lagnat at hirap sa paghinga.

Kung saan agad itong dinala sa NICC Doctors Hospital ngunit hating gabi na ng araw ng Huwebes nang napagdesisyonan na ilipat nalamang ito sa Bicol Medical Center.

Pag-dating sa BMC agad itong isinailalim sa swab testing at araw ng Byernes pasado 1:00 ng umaga ng binawian ito ng buhay. Kung saan agad namang isinailalim sa cremation ang nasabing pasyente.

Ayon kay Legacion ngayong araw lang ng lumabas ang resulta ng isinagawang swab testing ng Department of Health kung saan ito ay nag positibo sa nasabing sakit.

Sa ngayon agad ng nag sagawa ng precautionary measures at re-disinfection ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga sa boong barangay nang Calauag kung saan sinasabing nakatira ang nasabing pasyente.