Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang mga aktibidad bilang tugon sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng national state of energy emergency dahil sa krisis na nararanasan sa Gitnang Silangan.
Sa resolution ng Comelec en banc, na kanilang kakanselahin ang Election Expo Convention and Conference.
Kasama na rin dito ang pagsasagawa ng Asian Electoral Stakeholders Forum VII at ang Philippine Election Expo na nakatakda sana sa April 21-23, 2026, ganun din ang National Goodwill Games na nakatakda sa May 8-10, 2026.
Una ng ipinaliwanag ng Comelec na ang expo ay ginagawa para makakuha ng bagong teknolohiya na maaring gamitin para sa 2028 elections.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na nakikiisa sila sa sambayanan at ayaw nilang maging sanhi pa ng problema sa krisis na kinakaharap ng bansa.














