NAGA CITY- Kinumpirma ng Provincial director ng Masbate Police station na walo na ang naiulat na nasugatan habang isa naman ang binawian ng buhay dahil sa pagtama ng magnitue 6.5 na lindol sa probinsya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Provincial director PCol. Joriz Cantoria, sinabi nito na maliban sa bayan ng Cataingan na mismong centro ng pagyanig ay labis rin umanong naapektohan ang bayan ng Placer Masbate.

Ayon dito walo na umano ang naiulat na nagtamo ng minor injury mula sa bayan ng Placer habang isa naman sa bayan ng Cataingan at isang namatay.

Kinilala ang nasabing binawian ng buhay na si restired PCol. Gilbert Sauro na naiwan sa sa loob ng kanilang bahay at nadagan ng gumuho ito.

Dagdag pa nito tatlong bayan naman umano sa naturang lugar ang nawalan ng kuryente dahil sa nasabing pagyanig.

Samantala, nagkaroon naman umano ng ilang bitak ang mga kalsada dito ngunit maayos naman at passable naman sa mga motorista.