NAGA CITY- Isinagawa ngayong araw ng Municipal Risk Reduction Manangement Office (MDRRMO)-Buhi at iba pang ahensya ang Camp Manangement Training bilang bahagi ng paghahanda ng Bicol sa pwedeng maging resulta ng pananasala ng Bagyong Tisoy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mark Nazareya, tagapagsalita ng MDRRMO-Buhi sinabi nitong pinaghandaan nila ang mga bangka na kakailanganin dahil ilang mga barangay ang nasa lake side.

Sa ngayon tinututukan umano ng ahensya ang mga lugar na malapit sa Landslide prone area gaya ng Barangay Ibayugan kung saan nakitaan ng mga tension crack na posibleng maging dahilan ng pagguho.

Kung maaalala, malaki ang naitalang casualty sa naturang bayan noong Bagyong Usman dahil sa pagbaha at landslide.