NAGA CITY- Patay ang isang Indian national sa pamamaril sa Provincial Road of Zone 1, Brgy. Balaogan, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Surjit Singh, 40-anyos at kasalukuyang nakatira sa Zone 6, Brgy. San Miguel, Iriga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng nakapark na sasakayan ang biktima ng dumating ang hindi pa nakikilalang suspect.

Sa hindi pa malamang dahilan, bigla na lamang nitong binaril ang biktima na tinamaan sa ulo na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa kabilang dko, napag-alaman na nawawala na ang bag ng biktima na may lamang cellphone at pera na pinaniniwalaang tinangay ng suspek.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.Top