NAGA CITY- Pinabulaan ng isang Pinoy sa Hongkong na hindi pa nagkaroon ng infection ng bagong COVID-19 variant na Omicron sa nasabing Lugar.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Ricky Sadiosa mula sa nasabing bansa, sinabi nito na lumalabas na na-overhyped ang nasabing balita.
Inamin din nito na mayroong dalawang indibidwal na galing sa South Africa na tinamaan ng bagong variant, ngunit aniya agad naman itong nadetect at na-isolate.
Dagdag pa nito, madali naman itong narespondehan ng Department of Health sa Hong Kong kung saan tinitingnan pa lamang ang isang indibidwal na posibleng carrier ng sakit, agad na itong hiniwalay sa komunidad.
Tugon pa ni Sadiosa, sa ganitong hakbang, hindi na ito makakahawa, ngunit ang lahat nang nasa hotel kung saan pumunta ang dalawang indibidwal, ang agad namang kinuhanan ng sample at sumailalim sa COVID-19 testing.
Sa kabila nito naniniwala naman si Sadiosa na hindi gaanong nababahala ang mga residente sa lugar dahil nasa 70% na umano ang mga nababakunahan dito at tinatayang nasa 30% na lang ang hindi pa bakunado.