Bumagal sa 6.4% ang kabuuang inflation rate ng bansa noong Hunyo 2026, mula sa 6.8% na naitala noong Mayo, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation ang mas mababang pagtaas ng presyo sa sektor ng transportasyon na nasa 12.8%, pagkain at mga inuming hindi nakalalasing na 5.2%, at mga kasangkapan sa bahay, kagamitan, at regular na pangangalaga sa tahanan na 3.7%.
Dahil sa pagbagal ng inflation noong Hunyo, umabot sa 4.8% ang average inflation rate ng bansa para sa panahon ng Enero hanggang Hunyo 2026, ayon pa sa PSA.
Advertisement
Advertisement














