Umabot na sa 15,000 katao ang naaresto ng French police kaugnay ng sunod-sunod na malawakang protesta sa France nitong mga nakalipas na linggo, ayon sa pamahalaan ng bansa nitong Martes.
Nagsimula ang mga pagkilos dahil sa panawagan ng mga mamamayan para sa mga reporma, bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kanilang pagkadismaya sa kalagayan ng sektor ng edukasyon.
Ayon kay Justice Minister Gérald Darmanin, nasa 7,184 na katao ang inaresto mula nang magsimula ang mga protesta laban sa inflation at usapin ng sahod noong Oktubre 17.
Samantala, tinatayang 8,000 iba pa ang naaresto kaugnay naman ng mga demonstrasyon na nananawagan ng mga reporma sa sistema ng edukasyon.
Sa kabuuang bilang, 2,661 ang mga menor de edad na nasangkot sa mga pag-aresto, kung saan lima sa kanila ang nananatili pa rin sa kustodiya ng pulisya.














