Photo© web

Umakyat sa 7.2% ang inflation rate sa Pilipinas noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), na siyang pinakamataas na naitala sa loob ng tatlong taon dulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain at produktong petrolyo.

Sa pulong balitaan nitong Mayo 5, sinabi ni Claire Dennis Mapa na ito na ang pinakamabilis na inflation mula Marso 2023 na nasa 7.6%.

Ipinaliwanag ng PSA na pangunahing nagtulak sa pagtaas ng inflation ang pagmahal ng presyo ng pagkain, lalo na ang bigas, pati na rin ang isda at karne.

Malaki rin ang naging ambag ng pagtaas ng presyo ng langis, kung saan tumaas ng 124% ang presyo ng diesel habang umabot sa 60.5% ang pagtaas ng gasolina.

Advertisement

Lumagpas ang naitalang inflation sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa pagitan lamang ng 5.6% hanggang 6.4%.

Higit din itong mataas sa target range ng pamahalaan na 2% hanggang 4%, na nagpapahiwatig ng patuloy na pressure sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Advertisement