NAGA CITY- Agad na inilockdown ang isang Barangay Hall sa lungsod ng Naga habang nakaquarantine naman ang ilang opisyal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kagawad Eduardo Reniva ng naturang barangay, sinabi nitong halos nasa 20 sila ang nakaquarantine na kinabibilangan ng Punong Barangay, mga Barangay Kagawad at ilang mga Barangay Personnel.
Nabatid na isang frontliner sa Barangay Hall ang nagpositibo sa COVID-19 na kinilala bilang Bicol#227.
Kaugnay nito, apektado ngayon ang mga transaksyon mula sa naturang Barangay Hall dahil sa nasabing insidente.
Nabatid na sa ngayon mayroon paring mahigit sa 40 active cases sa lungsod habang nasa 228 naman sa buong Bicol.