NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang government employee sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Eriberto Ricardo Dedace, 63-anyos residente ng Brgy. Poblacion 5 sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ng isang estudyante ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa isang ilog sa baba ng nasabing tulay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na bago ang insidente regular umanong naglalakad si Dedace bilang bahagi ng kaniyang morning routine.
Kaugnay nito, pinaniniwalaang dito na inatake sa puso ang biktima gayundin ang pagkakahulog nito sa ilog na naging dahilan naman ng kaniyang kamatayan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.