NAGA CITY – Nagpasa ng resolusyon ang isang konsehal sa Naga City na nag-aanyaya sa lahat ng SK members at kabataan na makilahok sa mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at lokal na kasaysayan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Councilor Jose Perez, sinabi nito na ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang para sa mga Tagalog kundi maging sa lahat ng wika sa iba’t ibang rehiyon at lugar sa bansa.
Binigyang-diin din ng konsehal ang kahalagahan ng buwang ito para sa isa’t isa dahil panahon na naman ito para pag-usapan at balikan ang mga mahahalagang kaganapan sa ating bansa.
Bukod sa nasabing aktibidad, isasagawa rin sa mga susunod na araw ang artwalk, exhibits, workshops, film showing, dance workshop at marami pang iba. Sa araw naman ng Linggo, Agosto 18, ilulunsad ang Bokabularyo ng Wikang Bikol.
Samantala, patuloy na hinihikayat ng opisyal ang lahat na makilahok sa mga aktibidad na isinasagawa kaugnay ng pagbabalik tanaw sa nakaraan.