NAGA CITY-Timbog ang isang lalake sa isinagawang buy-bust operation sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Jaen, 32 anyos, residente ng Brgy Manggalang 1 ng nabanggit na bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, inaresto aniya ang suspek pagkatapos na makabili dito ang poseur-buyer ng mga awtoridad ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na shabu.

Nang kinapkapan ang suspek nakuha pa dito ang apat piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga, kung saan may kabuuan aniyang bigat ang lahat ng nakumpiska ng 19.7 grams, at nagkakahalaga ng ₱401,880.

Sa ngayon dinala na ang suspek sa Sariaya Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.