Arestado ang isang welder sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad sa Barangay Salvacion Baybay, Calabanga, Camarines Sur, bandang alas-7:30 ng gabi nitong Huwebes, Nobyembre 12, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Puyo,” isang welder at residente ng nasabing lugar.
Nasamsam sa operasyon ang isang pirasong glass tube pipe, tatlong lighter, anim na pirasong nakatiklop na aluminum foil, isang pares ng gunting, at dalawang bukas na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Bukod dito, nakumpiska rin ang isang improvised shotgun na may kasamang tatlong bala para sa 12-gauge shotgun, gayundin ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na hinihinalang shabu.
Inihahanda naman ng Investigator-on-Case (IOC) ang mga kaukulang kaso laban sa suspek kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.














