Arestado ang isang 51-anyos na lalaki na wanted person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng Magarao Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Camarines Sur MARPSTA, dakong alas-9:45 ng umaga noong Nobyembre 13, 2026, sa Barangay San Isidro, Magarao, Camarines Sur.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Homicide na naganap noong 1998, alinsunod sa Article 249 ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansang ₱40,000.

Pinangunahan ang operasyon ni PCPT Mark N. Spaña, Acting Chief of Police ng Magarao MPS.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Magarao MPS ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang proseso.

Advertisement

Patuloy ang pagsisikap ng Magarao MPS na tugisin ang mga wanted person bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Advertisement