NAGA CITY – Under full capacity na ang mga isolation wards para sa COVID-19 patients sa Bicol Medical Center (BMC).
Ito ay batay sa pahayag na ipinalabas ng nasabing ospital.
Dahil dito, tatanggapin na lamang sa ngayon ng pagamutan ang mga COVID-19 patients na may malala o nasa kritikal na kondisyon.
Ayon dito, kulang na umano ang mga mangangalaga sa mga pasyente sa nasabing mga wards dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa ngayon, umapela ang nasabing pagamutan sa lahat ng lokal na pamahalaan sa rehiyon na kung maaari ay i-accomodate na muna ang kanilang mga mamamayan na mayroong mild symptoms o mga asympotomatic.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng BMC na nagagamit na ang lahat ng high-flow oxygen machines at mechanical ventilators sa loob ng ospital at wala na rin umanong available na unit para sa mga darating pang pasyente.