Kinumpirma ng isang opisyal ng White House na pumayag ang Israel sa ceasefire deal sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, matapos ang anim na linggong labanan sa Middle East.
Hindi agad naglabas ng opisyal na pahayag ang Israel matapos ang anunsiyo ng ceasefire sa Iran. Sa kabila nito, naglunsad pa rin ang Israel ng pag-atake sa Lebanon bilang ganti sa pinakawalang rocket ng kaalyado ng Iran na Hezbollah, na ikinamatay ng mahigit 1,500 indibidwal, ayon sa Lebanese authorities.
Nauna nang kinumpirma ng Pakistan, bilang mediator, na nagkasundo ang Amerika, Iran, at kanilang mga kaalyado sa tigil-putukan sa lahat ng dako, kabilang ang Lebanon.
Ang ceasefire ay inaasahang magbibigay daan sa mas malawak na pag-uusap para sa kapayapaan at pag-alis ng tensyon sa rehiyon.














