Alam ba ninyo mga ka-bombo, na si Hirase Airi, isang social media influencer mula sa Japan, gumastos ng nasa higit 20 million yen o $140,000 para sa plastic surgery upang tuluyang baguhin ang kanyang itsura at mabago ang kanyang buhay.

Sa mga larawan na kuha bago ang pagsailalim nito sa operasyon, makikita ang malaking pagbabago sa itsura ni Airi matapos magsailalim sa plastic surgery.

Ang nasabing operasyon ang naging dahilan upang makilala sa social media at maimbitahan sa mga television shows gayundin makapagtrabaho sa ring girl sa mga fighting events si Airi.

Sa ngayon, isa na si Airi sa mga advocate ng cosmetic enhancement at naniniwala na sa pamamagitan ng plastic surgery kayang mabago ang buhay ng isang tao sa mabuting paagi.