Nasungkit ni Emmanuel ‘Jimuel’ Pacquiao, anak ng Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao, ang kanyang unang panalo sa professional boxing matapos pabagsakin sa knockout ang Amerikanong si Darrick Gates.
Nangyari ang laban nitong Sabado (Manila time), Abril 4, kung saan pinatumba ni Jimuel ang kanyang kalaban sa ikalawang round ng kanilang lightweight bout.
Ginanap ang laban sa Pechanga Resort and Casino, kung saan ipinakita ng batang Pacquiao ang kanyang lakas at husay sa loob ng ring.
Ang panalong ito ang nagsisilbing matibay na simula ng kanyang karera sa professional boxing, na inaasahang susundan pa ng mas maraming laban sa hinaharap.
Advertisement
Advertisement














